Close

NoKor trip ni US Secretary of State, sablay?

Sponsor ads


Nagdulot ng hindi magandang senyales ang bigong pangakong pulong sana nina US Secretary of State Mike Pompeo at North Korean leader Kim Jong Un.

Ayon sa isang American analysts, ang overnight na pagbisita ni Pompeo noong nakaraang linggo sa Pyongyang ay wala pa ring malinaw na progreso sa denuclearization talks.

Tinawag ding tila naglalaro lang ang North Korea pero hindi seryoso na magiging maganda ang kalalabasan ng mga negosasyon.

Lumalabas din ayon sa mga analysts na suntok sa buwan ang hangad ng US na total disarmament na tila malabong tugunan ng Pyongyang.