Close

NoKor, sinuspinde ang talks sa South Korea

Sponsor ads


Biglaang kinansela ng North Korea ang high-level talks sa South Korea na nakatakda sana ngayong araw.

Ito ay dahil sa nagaganap na joint military exercises ng Seoul sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat, sinabi ng NoKor na ang nagaganap na military exercises ay isang "provocation" at pageensayo para sa napipintong pagsalakay.

Nagbabala rin ang North Korea sa US tungkol sa kahihinatnan ng makasaysayang summit sa pagitan nina Pyongyang leader Kim Jong Un at US President Donald Trump na naka schedule sa June 12.

Nakatakda sanang pag-usapan sa naudlot na talks ang mga plano kabilang na ang pagtupad sa mga pangakong pormal nang tapusin ang Korean War at ikasa ang "complete denuclearization" ng NoKor.