Close

NoKor, sasali sa Pyeongchang Winter Olympic Games sa SoKor

Sponsor ads


Kinumpirma ng North Korea ang kanilang paglahok sa Pyeongchang Winter Olympic Games na gaganapin sa South Korea.

Ayon kay North Korean International Olympic Committee member Chang Ung, magpapadala ang NoKor ng delegado mula sa figure skating para sa kumpetisyon.

Kaugnay naman nito ay nakatakdang mag-usap ang North Korea at South Korea sa border village ng Panmunjom hingil sa nalalapit na Olympics.

Gaganapin ang naturang Winter Olympics sa Pebrero.