Close

NoKor, muling nagpakawala ng 2 unidentified projectiles

Sponsor ads


Nagpakawala ng dalawang unidentified projectiles ang North Korea ilang oras matapos ang kanilang alok sa Estados Unidos na bumalik sa diplomacy table sa September.

Ayon sa South Korea, pinakawalan sa South Phyongan province ang missile at lumapag ito sa katabigan sa east coast.

Sinabi ng CoKor na imo-monitor nila ang posibleng gagawin pang mga missile launch ng Pyongyang.

Gayunman, di dinetalye sa ulat kung anong klaseng projectiles ang pinakawala ng North Korea.

Mababatid na nitong Lunes lamang ay sinabi ng first vice foreign minister ng NoKor na si Choe Son Hui na payag ang Pyongyang na ibalik ang nuclear diplomacy kasama ang US ngayong Setyembre pero kailangan umanong pumunta sa negotiating table ang US ng may katanggap-tanggap na bagong proposals.

Ito ay sa gitna ng pag-pressure ng international community sa NoKor na itigil na ang pagsasagawa ng missile tests para mapahupa ang tensyon sa Korean peninsula.