Close

NoKor, magtatayo ng hotel at water park; Investors, inanyayahan

Sponsor ads


Iniimbitahan ng North Korea ang mga mayayamang outside investors na ikunsidera ang Mount Kumgang Tourist Region na popular sa South Koreans bago isusupinde ang mga tours doon noong 2008.

Ito ay sa gitna ng pag-diversify ng state-sanctioned travel agencies sa North Korea ng kanilang tour packages katuwang ang Japan-based firms.

Ayon sa North Korea tour operator Kumgangsan International Travel Agency, humahanap sila ng investors para sa bagong hotel na kayang omokupa ng 700 katao.

Mayroon umanong taas na 15 stories ang hotel na may surface area na 15,000 square meters.

10 taon umano ang gugugulin bago maipatayo.

Sinabi rin sa ulat na plano ng North Korea na magtayo ng malaking water park sa resort na mayroong slides at iba pang pasilidad.

Sasamantalahin na rin umano ng tour operators ang oportunidad ng inter-Korea relations para magbenta ng mga bagong produkto.