Close

No. 4 most wanted sa Tupi huli sa Gensan

Sponsor ads


KORONADAL CITY - ARESTADO ang No. 4 most wanted person sa bayang ito matapos magsagawa ng operasyon ang mga kapulisan sa Makar Wharf, Barangay Labangal, General Santos City.

Kinilala ang nahuli na si Mark Anthony Musico Gaton, 26-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Si Gaton ang may warrant of arrest sa kasong rape sa sala ni Honorable Judge Allan Edwin Boncavil ng Regional Trial Court 11th Judicial Region, Branch 62, Polomolok, South Cotabato.

Nakakulong na ngayon ang naturang suspek. (Tiffany Jill Trinidad)