Close

Ninja cops inquiry, 'di pinupulitika - Sotto

Sponsor ads


Idinepensa ni Senate President Tito Sotto ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa issue ng ninja cops o agaw-bato cops.

Ito ay matapos nga ang pagpuna ng ilang mga mambabatas at opisyal ng ehekutibo na naiba na ang unang layunin ng pagdinig na sana ay tututok sa anomalya sa Good Conduct Time Allowance Law.

Iginiit ni Sotto sa mga kritiko na hindi kasi umano nila sinusubaybuyan ng maayos ang probe.

Ipinaliwanag ng senador, na nalipat na ang atensyon sa issue ng drug-recycling dahil ito rin mismo ang nangyayari sa loob Bilibid na gawa ng mga tiwaling pulis at ng mga nakakulong na drug lords.

Itinanggi rin ng mambabatas na napupulitika na ang Senate hearing dahil 2013 pa naganap ang kontrobersyal na drug raid sa Pampanga kaya't wala itong kinalaman sa Duterte administration.

Bukod pa rito, ang Blue Ribbon lamang din aniya ang may moto propio powers sa lahat ng komite sa Senado na magpaimbestiga sa kahti anong isyu ng korapsyon kahit walang resolusyon o bill.
#