Close

Ninakaw na HS jersey ni Kobe naibalik na

Sponsor ads


Matapos ang dalawang taon naibalik na rin sa wakas ang ninakaw na high school jersey memorabilla ni NBA Hall of Famer Kobe Bryant.

Isang Chinese Kobe Fanatic mula sa Harbin, China ang nagbalik sa naturang item matapos itong mabili sa isang online store.

Ayon kay Liu Zhe, binili niya umano ang naturang jersey sa halagang $2, 000 bilang dagdag sa kanyang Kobe collection.

Subalit nung dumating umano ang item ay napansin niya na kahalintulad ito sa framed no. 33 hign school jersey ni Bryant na ninakaw noong 2017.

Pinairal lang umano ni Zhe ang kanyang 'mamba mentality' kaya niya ibinalik sa Lower Merion High School ang naturang jersey kung saan unang nagpasiklab ng kanyang basketball skills ang NBA legend.