Close

Nigeria, tinigil na ang paghahanap ng survivors sa gumuhong building

Sponsor ads


Tinuldukan na ang rescue operations sa gumuhong building sa Lagos, Nigeria.

Sinabi ni Ibrahim Farinloye ng National Emergency Management Agency, nasuyod na ng rescue teams ang ang buong lugar at wala na silang mahanap na survivors.

Ayon kay Farinloye, hindi bababa sa sampu ang bilang ng mga nasawi mula sa pagguho ng tatlong-palapag na gusali.

Umabot naman sa 40 ang bilang ng mga tao na naligtas mula sa gumuhong gusali.

Samantala, sinabi naman ni Lagos State governor Akinwunmi Ambode na bumisita sa pinangyarihan ng insidente, na hindi otorisado ang residential building na magkaroon ng eskwelahan sa loob dahil nakadisenyo lamang ito para tirahan ng mga tao.

Sinabi din ni Ambode na marami sa mga bahay sa lugar ang meron structural problems at nakatakda na ang paggiba sa mga ito.