Close

Nicki Minaj, nagsorry sa mga fans kasunod ng biglaang pag-reretiro

Sponsor ads


Humingi ng paumanhin ang tinaguriang Rap Queen na si Nicki Minaj sa kaniyang mga fans matapos nga ang hindi inaasahang pag-reretiro nito sa showbiz.

Sa kaniyang tweet, nag-sorry siya sa mga tagahanga dahil sa aniya'y “abrupt and insensitive” na pagpapasya sa takbo ng kaniyang karera.

Dahil dito, pinawi agad ni Minaj ang kalungkutan ng kaniyang mga fans.

“I’m still right here. Still madly in love with you guys & you know that. In hindsight, this should’ve been a Queen Radio discussion & it will be. I promise u guys will be happy. No guests, just us talking about everything. The tweet was abrupt & insensitive, I apologize babe,” giit ng singer.

Marami sa mga fans at netizens an agad na nakaunawa sa sitwasyon ni Nicki ngunit hanggang ngayon ay inaantabayanan pa rin nila ang buong detalye at kadahilanan ng biglaang pag-iwan nito sa limelight.