Close

Nicki Minaj, kinansela ang performance sa Saudi Arabia

Sponsor ads


Kinansela ng rapper na si Nicki Minaj ang kanyang performance sa Saudi Arabia sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang panawagan ng Human Rights Foundation sa pop star na ikansela ang kanyang show sa Jeddah World Fest, isang music and performance festival na gaganapin sa July 18.

Ayon kay Minaj, nagdesisyon syang di na magperform sa nasabing event dahil suportado nya ang karapatan ng mga kababaihan at LGBT community.

Ipinost ng artist ang kanyang desisyon sa kanyang instagram account.

Sinabi ni Minaj na bagama't nais nyang mag-perform sa harap ng kanyang fans sa Saudi Arabia pero dahil sa mga isyung kinakaharap ng LGBT community sa nasabing bansa, nagdesisyon syang di na ito ituloy.

Mababatid na kilala ang Saudi Arabia bilang isang conservative kingdom kung saan hinihiwalay ang mga tao batay sa kasarian at pinaparusahan ang mga nasa same-sex relationships.