Close

Nicaraguan priest, sugatan sa acid attack

Sponsor ads


Sugatan ang isang 59 anyos na pari sa isang acid attack sa Nicaraguan capital na Managua.

Kakatapos lamang na makinig sa kumpisal ang paring si Miguel Guevarra ng Metropolitan Cathedral nang sabuyan sya ng asido ng isang babae.

Ginagamot na ngayon si Fr Guevarra sa isang ospital dahil sa seryosong pagkasunog ng balat sa mukha, braso, at balikat.

Ikinulong ng mga worshippers ang suspek at kinandado sa isang kwarto hanggang makarating ang mga pulis.

Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung ano ang posibleng motibo ng babae sa pag-atake.

Natukoy din umano nila ang suspek bilang isang Russian citizen.

Mababatid na ginawa ang pag-atake sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya ng Catholic Church sa Nicaragua kaugnay sa papel nito nang magsimula ang anti-government protests noong April.