Close

Net worth ni VP Leni, bumaba sa P1.1-M

Sponsor ads


Sumadsad sa P1.1 milyon ang net worth ni Vice President Leni Robredo nitong 2017 dahil sa mga utang.

Sa kanyang isinumiteng, assets, liabilities and net worth (SALN), umaabot na lamang sa P1,114,102.84 ang halaga ng ari-arian ng bise presidente mula sa dating P8,878,111.43 noong katapusan ng 2016.

Bumaba ito ng P7.8 milyon o 87.4 percent mula sa idineklara nyang net worth.

Nakadeklara sa nasbaing SALN ang ilang properties ni Robredo sa Naga City, dalawang sasakyan at mga alahas.

Idineklara rin ni Robredo na mayroon syang pagkakautang kay Pablito Chua na P1 milyon, P2 milyon kina Vicente Hao Chin Jr. at Rafael Bundoc na mga kaanak ng namatay nyang asawang si dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Ginamit umano ang nasabing pera bilang pambayad sa electoral fees kaugnay ng petisyong inihain ni Senador Bongbong Marcos.

Kahit umano may mga donasyong dumating sa pangalawang pangulo, napilitan pa rin itong gumastos ng malaki para sa protest fees.