Close

Navarro, nag-sorry matapos ma-ban sa General Santos City

Sponsor ads


Humingi ng paumanhin ang singer na si Leah Navarro dahil sa kanyang nasabi na naging dahilan upang siya ay ideklara bilang persona-non-grata ng General Santos City Council.

Sinabi ni Navarro na binura na niya ang kanyang tweet, ngunit hindi pa rin nila makita sa kanilang mga puso na siya ay patawarin mula sa kanyang one word reply na patanong niya sinabi.

Ipinunto rin ng singer na binaluktot na sa isang deklarasyon ang sinabi niya sa Twitter

Kinwestyon rin ni Navarro kung bakit hindi na lang sila tumulong sa Mindanao at tigilan na ang pag-aaksaya ng panahon sa kanya dahil hindi naman siya biktima.

Noong Oktubre ay tinamaan ng tatlong malalakas na pagyanig ang Mindanao.

Sa deleted tweet ni dating Supreme Court Spokesperson Teodore Te, ay sabi niya: “What’s with all the earthquakes in Mindanao?” na sinagot naman ni Navarro ng: "Retribution?"

Sa city resolution ng General Santos ay sinabi nito na ang "retirubution" ay may kahulugan na "punishment inflicted on someone as vengeance for a wrongful or criminal act"