Close

Nasa 400 medical practices, di effective- Scientists

Sponsor ads


Lumabas sa bagong pag-aaral ng mga siyentipiko na 400 ng mga common medical practices ay hindi naman effective.

Dahil sa naging research, umaasa ang mga siyentipiko na magiging daan ito para sa de-adoption ng mga ineffective standards na tinatawag na medical reversals.

Ayon kay Diana Herrera-Perez, researcher sa Oregan Health & Science University, lead author ng pag-aaral, ito ay para makapagbigay ng mas malawak at mas komprehensibong listahan sa mga clinicians at researchers pagdating sa guide practice sa kanilang pag-aalaga sa mga pasyente nang mas epektibo at mas mura.

Nag-research ang mga siyektipiko sa randomized controlled trials na na-publish sa nagdaang 15 taon sa Journal of the American Medical Association, Lancet, at New England Journal of Medicine.

Matapos ang pag-review sa 3,000 articles, nabunyag sa kanilang pagsasaliksik ang 296 medical reversals.

92 percent ng pag-aaral ay ginawa sa mga subjects na nakatira sa high-income countries habang walong percent naman ang nakatira sa low o middle-income countries.

Lumabas na 20 percent ng mga practices na naka-sentro sa cardiovascular disease ay palaging nire-reverse, na syang highest rate sa anumang medical category.