Close

Nasa 20 milyong Americans, posibleng tinamaan ng COVID-19- Experts

Sponsor ads


Posible umanong nasa 20 milyong Amerikano na ang tinamaan ng COVID-19 ayon sa ilang mga eksperto.

Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention, ang nasabing bilang ay base sa mga datos ng kanilang serology testing centers.

Sa panamagitan ng kanilang mga ginagamit na proseso upang makita ang presensya ng antibodies sa mga carriers ng virus, napag-alaman na napakarami ng mga indibidwal na hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng sakit.

Dahil dito, sa kanilang pagtataya, posibleng sampung beses na mas mataas ang tunay na bilang ng infections sa kanilang bansa na ngayon ay nasa mahigit 2.4 milyon na.

Matatandaang umani ng batikos ang naging pahayag ni US President Donald Trump nang sabihin nitong bababa ang mga COVID-19 cases sa US kung babawasan din nila ang ginagawang testing.// GLENN PARUNGAO