Close

Nasa 150 pamilya, na-trap sa Mt. Feris dahil sa bakbakan ng militar at BIFF

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Halos 150 na pamilya ang naiulat na hindi makalabas mula sa Mt Feris sa boundary ng Datu Hoffer, Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay, Maguindanao dahil sa engkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay National Commission on Indigenous People (NCIP) 12 regional director Timuey Lim Wong, hindi umalis sa lugar ang mga pamilya ayon na rin sa payo ng militar upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Ito'y makaraang umaabot na sa 1,000 katao ang apektado sa kaguluhan sa tatlong bayan.

Maliban dito, may 300 katao din umano na lumikas mula sa South Upi, Maguindanao dahil sa engkwentro.

Sa ngayon, nag-apela na ang NCIP-12 sa DSWD-12 para sa refief items at pagkain ng mga nagsilikas na pawang mula sa tribung Teduray at Lambingi-an. Brigada Girlie Narciso-Solis