Close

Nancy ng Momoland, may 'mental distress' dahil sa manipulated undressing photos nito

Sponsor ads


Isiniwalat ng MLD Entertainment na nakakaranas na ngayon si Nancy McDonie ng K-pop group na Momoland, ng "mental distress" dahil sa leaked pictures nito kung saan ay makikita ang kanyang pagbibihis.

Hiniling ng ahensya sa publiko na itigil na ang mga malisyosong post sa kanilang artist.

Ayon sa ahensya, illegaly manipulated ang mga litrato ni Nancy na kumakalat sa social media.

Iginiit ng MLD Entertainment na biktima si Nancy ng hidden camera picture, na kalaunan ay inedit gamit ang photoshop.

Dahil dito ay umapela ang MLD Entertainment ng kooperasyon sa mga pulis at overseas law enforcement agencies upang mahuli ang photographer na nagpakalat sa mga larawan

Una nang sinabi sa ilang mga ulat na ang isa sa staff members ng grupong Momoland ang nasa likod umano ng leaked photos.

Mababatid na nakilala ang Momoland, mula nang mag-debut ito noong 2016 sa serye ng mga hits nito tulad ng "Bboom Bboom," "Bham," "I'm So Hot" at "Banana Chacha."