Close

Nancy Binay, humingi ng oras para makaayos-ayos ang kanilang pamilya

Sponsor ads


"Give us space"

Ito ang apela ni Senator Nancy Binay sa mga kritiko matapos magbanggaan sa eleksyon ang magkapatid na miyembro ng kanilang pamilya.

Pakiusap ni Binay, nais nilang magkaroon ng oras upang sila ay magkaayos-ayos.

Aminado ang Senadora na malaki ang naging lamat sa relasyon ng kanilang pamilya.

Tila anya ay may operasyon para paghiwa-hiwalayin silang magkakapamilya.

Pinasinungalingan naman ni Binay ang umano'y last minute na pag-withdraw ng suporta ng kanyang kapatid na si JunJun Binay para sa kanilang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.

Matatandaan na sinuportahan ni Jejomar ang kandidatura ng isa niya pang anak na si re-electionist Makati Mayor Abby Binay na nagwagi laban kay JunJun.

Samantala, natalo naman si Jejomar sa congressional race para sa 1st district ng Makati laban sa katunggali nito na si Kid Peña ng Liberal Party.