Close

Nag-iinumang mga estudyante, dinampot

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Agad na inaksyonan ng pamunuan ng Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS) ang mga estudyante na naaktuhan na umiinom ng alak sa isang puwesto sa Barangay Zone 4 nitong lungsod noong Pebrero 12.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Justice Magbalot ng Prefect of Discipline (POD) ng KNCHS na may natanggap itong impormasyon nagmula sa mga residente sa lugar may kinalaman sa naka-uniporme na mga estyudyante na nag-iinuman.

Agad na inireport ito sa mga pulis at ipinatawag ang mga magulang ng mga kabataan.

Napag-alaman na 13 sa mga estudyante ang nagmula sa KNCHS at isa ang nagmula sa Barangay Rotonda nitong lungsod.

Posible umano na ang lalaki na nagmula sa Barangay Rotonda ang naghikayat sa mga estudyante na uminom.

Ayon kay Magbalot na may ilang mga magulang ang pumunta na sa kanilang tanggapan upang pumirma ng waiver na hindi na mauulit ang naturang pangyayari.

Babala naman ni Magbalot na posibleng ilipat sa ibang paaralana ang mga estudyante kung hindi nila dadalhin ang kanilang mga magulang sa paaralan. (Tiffany Jill Trinidad)