Close

Nadal nasungkit ang 19th Grand Slam title sa US Open

Sponsor ads


Nasungkit ni Rafael Nadal ang kanyang 19th Grand Slam title matapos talunin si Russian Daniil Medvedev sa isang makapigil hiningang US Open finals.

Tinalo ni Nadal ang fifth seed ng New York sa pamamagitan ng 7-5 6-3 5-7 4-6 6-4 score.

Umabot ng halos limang oras ang palitan ng rally ng dalawang tennis player bago tuluyang makuha ang panalo para kay Nadal.

"It has been an amazing final. It has been a crazy match," ayon kay Nadal.

Ang tagumpay ni Nadal ay naglapit sa kanya para matumbasan ang ang kanyang Swiss rival na si Roger Federer na may hawak ng all-time leading tally of men's Grand Slam victories.

"It has been one of the most emotional nights in my tennis career," ani Nadal.