Close

Na-hire na contact tracers, nasa halos 50k na - DILG

Sponsor ads


Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government na patuloy na kumukuha ang gobyerno ng contact tracers bilang bahagi ng tugon nito kontra COVID-19.

Sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na malapit na maabot ng gobyerno ang target nito na 50,000 na required sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).

Ayon kay Malaya, kasalukuyang nasa 35,345 contact tracers na ang nagtatrabaho para sa gobyerno.

Mula sa nasabing bilang, ay nasa 27,879 na ang sinanay at na-deploy na sa iba't-ibang local government units.

Ibinahagi naman ng DILG na nakatanggap na ito ng tinatayang nasa 65,000 applications, at marami sa 57,743 applications na kanilang naproseso ang kwalipikado maging contact tracer.

Umaasa naman ang opisyal na matatapos ang hiring at deployment ng contact tracers sa susunod na linggo.// RAMAK KOWSARI