Close

NTC sa Telcos: Comelec, gawing prayoridad sa araw ng halalan

Sponsor ads


Ipinagutos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng public telecommunications companies sa bansa na tiyaking magiging preparado ito sa pagdami ng mga gagamit sa kanilang serbisyo sa gitna ng national elections.

Sa memorandum na pinirmahan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba ay ipinag-utos nito na mabigyan ang Commission on Elections (Comelec) ng prayoridad sa telecommunications services.

Pinatitiyak din ng NTC ang pagsasagawa ng maintenance sa mga serbisyo ng mga kumpanya bago maganap ang halalan.

Dagdag ng commission, dapat ay naka-deploy rin ang mga tauhan ng mga kumpaya para sa operations at maintenance sakaling magkaroon ng problema sa signal.

(Photo via Interaksyon)