Close

NTC, DA, naghahanda na sa pananalasa ng Tisoy

Sponsor ads


Pinatitiyak ngayon ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno na hindi magkakaroon ng patung-patong na aberya kaalinsabay ng pananalasa ng Bagyong Tisoy sa oras na pumasok na ito ng bansa.

Kabilang na rito ang order ng Naitonal Telecommunications Commission sa lahat ng mga telcos na siguruhing hindi mauputol ang serbisyo nito sa mga konsumidores sa gitna ng bagyo.

Pinatitiyak ni Commissioner Gamaliel Cordoba na naka-sntandby ang mga generators nito para magtuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga cellsites at signal para hindi maputol ang linya ng komunikasyon.

Samantala, pinakikilos na rin ng Department of Agriculture ang mga tanggapan nito sa Bicol at Eastern Visayas na paghandaan ang pananalasa ng bagyo.

Ito ay para hindi maging malaki ang pinsala nito sa sektor ng pagsasaka, pangingisda, at iba pa.

Inabisuhan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na hanggat maaari ay anihin na nito ang mga maaaring anihin.
#