Close

NHA, pinuna sa unfinished housing para sa Yolanda survivors

Sponsor ads


Kinalampag ni Senator Imee Marcos ang usad-pagong na pagtatayo ng National Housing Authority o NHA ng mga pabahay sa libu-libong survivors ng super typhoon Yolanda.

Matatandaang ginugunita ngayong araw ang ika-anim na anibersaryo ng pagtama ng naturang delubyo.

Ayon sa senador, halos wala pa sa 50 porsyento ang isinasagawang rehabilitasyon sa Tacloban City, Leyte at Eastern Visayas sa nakalipas na anim na taon.

Base sa nakalap na NHA 2018 report, sa kabuuang 91,366 targeted housing units na ipamimigay sa mga pamilyang apektado ng bagyong Yolanda, umaabot pa lang sa 38,597 ang naitatayo.

Nauna rito, nadawit sa mga kaso ng katiwalian ang pagtatayo at pamamahagi ng mga bahay at emergency shelter assistance funds sa mga Yolanda survivor na kinasangkutan ng 12 NHA officials.

Sinampahan na ang mga nasabing opisyal ng NHA ng kasong kriminal at administratibo dahil sa mga anomaly sa Yolanda Permanent Housing Program o YPHP.