Close

NHA, binuweltahan ng PACC sa 'substandard' Yolanda housing

Sponsor ads


Binuweltahan ng Presidential Anti-Corruption Commission ang National Housing Authority sa ikaanim na anibersaryo ng pagtama ng Bagyong Yolanda dahil umano sa pagtatayo ng substandard na housing units para sa mga biktima.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, maraming reklamo ang nakarating sa kanilang tanggapan na puro substandard ang itinayong pabahay.

Marami aniyang mga subcontractors ang NHA base sa nakalap na mga affidavit at tatlumpung porsiyento ng pondo ay napunta lang sa korapsyon.

Giit ni Jimenez, wala ni isang village sa mga naapektuhang lugar tulad ng Tacloban City ang masasabing livable o maaaring tirhan dahil karamihan sa konstruksyon ay tinipid ang mga sementong ginamit.

Nito lamang nakaraang buwan ay inirekomenda ng PACC na masampahan ng kasong administratibo ang labindalawang opisyal ng NHA bunsod ng sinasabing anomalya sa 4-billion peso housing program para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.