Close

NEDA: PH GDP, babagsak ng 4.2% sa reenacted budget

Sponsor ads


Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mabibigo ang Pilipinas na makamit ang economic growth target sa 2019 sakaling magtuloy-tuloy pa ang pag-gamit ng bansa pag-operate sa reenacted budget.

Ayon sa NEDA, kung magtatagal ang re-enacted budget sa April 2019 ay magbibigay ito ng full-year gross domestic product na 6.1 hanggang 6.3 percent, o mababa sa government target na 7 to 8 percent.

Pero giit ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, kung maipapasa naman ang pondo sa Agosto, asahan naman ang paglago sa 4.9 to 5.1 percent.

Mababatid na nabigo na ang bansa na makuha ang economic growth target noong 2018 sa 6.2 percent, kung saan isinisisi ito ng gobyerno sa mahinang performance ng agriculture sector.

Una nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hindi lalagdaan ni Senate President Vicente Sotto III ang enrolled bill ng panukalang appropriations, kung kakatigan ng House of Representatives ang kanilang multi-billion peso na halaga ng amendments na pabor para sa mga kaalyado ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.