Close

NDRRMC: 500 families, nasa evac centers re: Basyang

Sponsor ads


Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumapalo na sa 5,000 pamilya ang kasalukuyang nanatili ngayon sa evacuation centers dahil sa epekto ng Tropical Depression Basyang.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, nasa kabuoang 4,889 families o 21,133 indibidwal ang nasa 102 evacuation centers.

Sa tala naman ng Philippine Coast Guard, nasa 4,642 ang kabuoang bilang ng mga pasaherong stranded habang suspendido rin ang operasyon ng nasa 931 rolling cargoes, 119 vessels at siyam na motor bancas.

Samantala, beneberipika pa ng NDRRMC ang reported casualty at anim kataong sugatan sa landslides sa Albuerra, Leyte.

Sa ngayon nasa 114 na mga bahay ang nasira kung saan 57 sa mga ito ay totally damaged habang 57 ay partially damaged.