Close

NCRPO, tiniyak na walang terror threat sa Metro Manila

Sponsor ads


Pinawi ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar ang pangamba ng publiko sa posibilidad ng terror attack sa Metro Manila.

Ito ay matapos maaresto sa Ermita, Manila ang Abu Sayyaf Group member na si Abdurahman Mataud Daiyung, na pinaniniwalaang nasa likod ng pambo-bomba ng bus terminal sa Kidapawan noong 2002 na ikinasawi ng 7 tao at ikinasugat ng 24 na iba pa.

Si Daiyung ay natukoy din bilang miyembro ng grupo ni Isnilon Hapilon, at naakusahang nasa likod ng pagdakip sa 15 empleyado ng isang plantation sa Lantawan, Basilan.

Iginiit ni Eleazar na walang banta ng terorismo sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ng NCRPO chief na hindi nila inaalis ang posibilidad na ito.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar na kinukumpirma pa nila kung si Daiyung ay maituturing na aktibong miyembro ng Abu Sayyaf.

(Photo: Philippine News Agency)