Close

NBI kinasuhan na ang may-ari ng WellMed center

Sponsor ads


Pormal nang nagsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation laban sa may-ari ng kontrobersiyal na WellMed dialysis center na si Bryan Sy.

Ito ay matapos isailalim si Sy sa inquest proceeding sa Department of Justice.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, inaresto si Sy dahil continuing crime ang ginawa ng dialysis center para sa mga dinoktor ng PhilHealth claims.

Unang inaresto si Sy sa naturang medical center dahil sa umanoy ghost dialysis treament.

Naaresto rin ang dating mga empleyado ng WellMed na sina Liezel Santos at Edwin Roberto na pinag-aaralang makapasok ng witness protection program.

Kasama naman sa inireklamo ang asawa, kapatid at ama ni Sy pati na ang kanilang mga doktor.

Nahaharap ang mga ito sa kasong estafa, at falsification of public documents.