Close

NBI, kumbinsido na hindi terorista ang 3 indibidwal na idinawit sa suicide bombing

Sponsor ads


Inanunsyo ng National Bureau of Investigation na walang koneksyon sa terorismo ang 3 indibidwal na napaulat kamakailan na may plano umanong bombahin ang Luzon.

Kabilang sa mga inabswelto ng NBI mula sa terorismo ay kinilala sa mga pangalang Victoria Sophia Sto. Domingo, ang ina nito, at ang kanyang Sir Lankan fiancé na si Mark Kevin Samhoon.

Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na tanging ang impormasyon mula sa ama ni Victoria ang tumukoy sa mga nasabing indibidwal bilang mga terorista.

Wala rin anya silang criminal records sa interpol o mula sa intelligence community.

Nagpakita si Sto. Domingo sa NBI noong July 22 para magpasa ng affidavit.

Si Sto. Domingo ay isang Born Again Christian na umuwi sa Pilipinas noong November 2018, at nitong June lamang ay nagsilang siya ng sanggol.

Base sa pahayag ni Sto. Domingo, posibleng ipinakalat ng kanyang ama ang nasabing impormasyon dahil hindi ito pabor sa pakikipagrelasyon niya sa kanyang fiancé.

Nasa labas naman ng bansa ang ina, at fiancé ni Sto. Domingo.