Close

NBA comeback ni Bosh, posible sa Knicks

Sponsor ads


Bukas si former Miami Heat power forward Chris Bosh na magkaroon ng NBA comeback matapos ang ilang taon pahinga sa hardcourt dahil sa blood clot.

Ayon kay Bosh hindi niya isinasantabi ang na muling makapaglaro sa NBA kung bibigya siya ng kontrata ng New York Knicks.

"If they make me a deal, yeah," ani Bosh.

Aminado naman ang dating NBA star na medyo kumplikado ang kaso at depende ito sa team doctors kung makakakuha siya ng clearance para muling makapaglaro.

Magugunitang napilitan ang Miami na i-release ang 34-year-old veteran noong nakalipas na taon dahil sa kanyang clots na itinuturing bilang career-ending ailment ng NBA at National Basketball Players Association.

Si Bosh ang isa sa mga key player ng Heat na bahagi ng back to back championship win nito kasama sina LeBron James and Dwyane Wade.