Close

NBA: 16 na players, positibo sa COVID-19

Sponsor ads


Inanunsyo ng NBA na nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 16 mula sa 302 na basketbolista na nagpasuri noong June 23.

Ayon sa NBA, mananatiling naka-isolate ang mga players na nagpositibo sa virus hanggang sa panahon na ma-clear sila ng isang physician.

Mababatiid na meron naitatatag na training camp sa Kissimmee, Forida, sa Walt Disney World Resort mula June 9-29 bago magsimula muli ang season sa July 30.

Matatandaan na nooh March 11 pa naka-hiatus ang NBA dahil sa global pandemic.

Base sa memo ay nasa 22 mula sa 30 kuponan lamang ang makakapagpartisipa sa mga laro kabilang na sa playoffs.

Gaganapin ang postseason simula August 17 base sa memo.