Close

NAIA, isasara sa loob ng 12-oras ngayong Martes

Sponsor ads


Inanunyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magsasara ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Tisoy.

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na bahagi ng kanilang safety precaution ang pagpapasara sa lahat ng terminals sa NAIA.

Dagdag ni Monreal, napagkasunduan na ito ng lahat ng airlines at ng iba pang stakeholders.

Inabisuhan na rin si Monreal ng mga airlines na mag-e-evacuate ito ng kanilang mga eroplano sa NAIA.

Samantala, inanunsyo naman ng Philippine Airlines na ang huling commercial flight nito ay aalis ng NAIA ng alas-9 ng umaga habang plano naman ng AirAsia na i-evacuate ang lahat ng eroplano nito mula sa NAIA ng alas-10 ng umaga.

Tinatayang nasa 480 ang bilang ng mga flights na maapektuhan ng pagpapasara sa paliparan.