Close

N95 face mask, isama sa relief packs -Binay

Sponsor ads


Nanawagan si Sen. Nancy Binay sa Department of Health na magsama ng N95 face mask sa mga relief packs na ipamamahagi ng gobyerno sa mga apektado ng Taal eruption.

Ayon kay Binay, ito ang pinakamagandang hakbang na maaaring maging tugon sa mga napaulat na kaso ng overpricing at hoarding ng mga face mask.

Giit ng mambabatas, dapat unahin ng DOH ang agarang pamimigay ng masks pati na rin mga gamot para maprotektahan ang mga kababayan lalo na ang mga kabataan, matatanda at may sakit.

Bukod pa rito, maaari ding humingi ng tulong ang gobyerno sa pribadong sector na may kakayahan na mag-procure ng mga face masks at iba pang protective equipment na kailangan ng mga biktima.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa mga negosyanyte na sinasamantala ang ganitong mga krisis para lang kumita na sana’y mas manaig ang pagbabayanihan at pagkawanggawa.