Close

Mysterious calls, gawa ng makulit na gecko

Sponsor ads


Nagulat ang mga empleyado ng Hawaii animal hospital nang malaman kung sino ang may pakana ng natatanggap nilang sunod-sunod na misteryosong phone calls.

Ayon kay Claire Simeone, director ng Ke Kai Ola Marine Mammal Center, una nyang nalaman ang isyu nang makatanggap sya ng siyam na tawag sa loob ng 15 minutes.

Agad na tumakbo sa hospital si Simeone kung saan nanggaling ang mga tawag para malaman kung mayroong emergency.

Nang dumating sya sa ospital ay nalaman din nyang nakatanggap din ng tawag ang iba pang mga empleyado.

Kwento ni Simeone, kinontak na nya ang Hawaiian Telecom at kinumpirma nitong mayroon silang naitalang sunud-sunod na tawag mula sa ospital pero di nila ito maipaliwanag.

Kalaunan ay nalaman na nila na ang may pakana ng nasabing mysterious calls ay isang gecko na gumagapang sa telepono.

Nirelocate na umano ang gecko malayo sa mga telepono sa ospital.