Close

Municipal treasurer ng DSA, sugatan sa ambush

Sponsor ads


Sugatan ang municipal treasurer ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan kasama ang driver nito sa nangyaring pananambang alas 8:35 kaninang umaga sa Barangay Pinguiaman,bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Phoebe Cates Pimentel na nagtamo ng tama ng bala sa kamay at ang driver nito na si Edwin Masukat na may tama ng bala sa kanyang kaliwang balikat.

Ayon sa mga biktima sa ekslusibong panayam ng Brigada, sakay sila ng Nissan Amerah kulay metallic brown with plate number VZ 1116 at patungo sa bayan ng Datu Saudi ng silay tambangan ng mga suspek.

Nagawa namang maimaneho ni Masukat ang sasakyan at agad nakahingi ng tulong sa isang military detachment sa Brgy. Bugawas at dinala agad sa pinakamalapit na ospital.

Ayon kay DSA municipal administrator Akhmad Donia, papasok sana sa munisipyo ang mga biktima dala ang 6million pesos na pansahod ng mga empleyado ng mangyari ang krimen. - BNFM Cotabato