Close

Mozambique, naghahanda na sa epekto ng Cyclone Idai

Sponsor ads


Naghahanda ngayon ang mga residente sa Mozambique para sa "worst-case scenario" kasunod ng pagtama sa lupa ng cyclone Idai.

Ayon sa ulat, taglay ng cyclone Idai ang hanging pumapalo sa 225 km kada oras at nag-landfall malapit sa port of Beira.

Dahil dito, inaasahan ang storn surge na aabot sa anim na kilometro sa mababang lugar ng Beira kung saan mayroong 500,000 residente.

Kaugnay nito, umabot na sa 100 katao ang naitatalang nasawi sa Mozambique at Malawi dahil sa malakas na pag-ulan.

Ayon sa mga otoridad, mapanganib ang nasabing cyclone dahil dala nito ang nakamamatay na 4-metre storm surge sa coast at anim na metro naman sa Pungwe river malapit sa Beira.

Nagbabala ang ilang opisyal na posibleng mas mataas pa ang idudulot na storm surge ng bagyo dahil sa high tide.

Mababatid na una nang tinamaan ng malalakas na bagyo ang Mozambique kabilang ang Eline noong 2000 na ikinamatay ng 350 katao.