Close

Movie nina Marvin at Jolina, magiging mature lovestory - Direk Villegas

Sponsor ads


Marami ang na-excite nang mapaulat na magbabalik tambalan sa big screen ang patok na love team noong 90's na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Sa isang panayam ay ipinaliwanag ni director Dan Villegas ang konsepto ng proyekto at kung paano ito nabuo.

Ayon kay Villegas, nagsimula ito nang makatanggap siya ng text message mula kay Marvin kung saan ay pinuri ng aktor ang pelikulang "Exes Baggage"

Sa text ay sinabi ni Marvin na maganda ang pelikula at kung maari ay magkaroon sana sila ng movie ni Jolens.

Agad naman pumayag ang direktor dahil noong henerasyon niya ay madalas niyang tangkilikin ang naturang love team.

Sinabi naman ni Villegas na nais nilang magkaroon ng mature love story para sa dalawa.

Aminado naman si Villegas na hindi niya inasahan ang overwhelming response ng netizens kahit inaayos pa ang mga detalye ng pelikula.

Pero nilinaw na ni Villegas na ang bagong pelikula nila Jolens at Marvin ay hindi sequel ng "Labs Kita...Okey Ka Lang?" habang sinabi niya na may kinalaman ito sa isang relasyon na nasira.

(Photo via ABS-CBN News)