Close

Movie na kinabilangan nila JLC at Derek, ginawan ng meme

Sponsor ads


Trending ngayon sa social media ang post ni Janus Del Prado na isang meme na may kinalaman sa pictures ng celebrities na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na magkasama.

Makikita sa Instagram post ni Del Prado ang larawan nina Derek at Ellen habang nasa tabi nito ang litrato ng eksena mula sa pelikulang "One More Chance" kung saan ay makikita ang dating kasintahan ni Ellen na si John Lloyd Cruz.

Mababasa sa caption ng post ni Janus na nagsilbing bestfriend ni John Lloyd sa pelikula ang: "Poy, tama na, tara na sa labas. Char."

Sa nasabing eksena ay inakusahan ni Popoy na ginampanan ni JLC, ang karakter na si Mark na ginampanan ni Derek ng panunulot sa kanyang love interest na si Basha, na ginampanan ni Bea Alonzo.

Mababatid na parehong ex-lovers ng aktres na si Angelica Panganiban sina John Lloyd at Derek.

Samantala, binasag na ni Ramsay ang katahimikan nito tungkol sa mga larawan nito na kasama si Ellen at sinabi na nag-host lamang siya ng dinner party matapos niyang makita noon si John Estrada.

Sinabi ni Derek: "Lahat na lang may issue sa akin. Akala ko ba, ayoko na sa babae and I'm gay?"