Close

Motorsiklong naka-park sa sports complex, ninakaw

KORONADAL CITY - Isang motorsiklo ang naiulat na nawawa at pinaniniwalaang biktima ng motornapping, Hunyo 18 ng umaga sa harapan ng SMRAA Sports Complex, Jaycee Alunan Avenue, Koronadal City.

Isa itong Honda Wave 100cc na motorsiklo, na may plate number na MM-8904.

Pagmamay-ari ito ni Lorena Alcantara Lacia, 47, may-asawa, negosyante at residente ng Purok Nagkakaisa, Barangay Zone III, Koronadal City.

Hiniram umano ito ng kanyang anak na si Judah Lucia at pinark sa harap ng sports complex nang nawala.

Sa ngayon, patuloy pa ang paghahanap sa nabanggit na motorsiklo. (Girlie Narciso-Solis)