Close

Motorsiklo, sumalpok sa pick-up at ceres bus; 2 patay

Sponsor ads


ILOILO CITY – Patay ang drayber ng isang motorsiklo at angkas nito matapos sumalpok sa isang pick-up at ceres bus sa Janiuay, Iloilo.

Ayon kay PO1 Pio Estampador, kinilala ang mga nasawi na sina alyas ‘Nono’ at Rubea Elbano kapwa residente sa lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nag-overtake ang motorsiklo subalit hindi nito napansin ang paparating na pick-up dahilan upang sila ay bumangga at sumalpok pa sa isang ceres bus.

Samantala, kaagad namang sumuko sa mga pulis ang drayber ng naturang pick-up.