Close

Motornapping naitala sa SoCot

Sponsor ads


POLOMOLOK, SOUTH COTABATO - PATULOY ang ginawang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring motornapping sa Dahlia St., Public Market sa Barangay Poblacion nitong bayan.

Kinilala ang biktima na si Lester Declaros, 20-anyos, residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, pinarada ng biktima ang motorsiklo na pagmamay-ari ni Hernanie Canoy upang pumunta sa kanilang puwesto sa loob ng palengke.

Subalit, nang bumalik hindi na niya makita ang sinakyang motorsiklo.

Inaalam pa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Tiffany Jill Trinidad)