Close

Motorcycle accident mataas ang kaso sa Koronadal

Sponsor ads


KORONADAL CITY – Mataas ang kaso ng aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa Koronadal City noong 2017.

Sa datos ng Traffic Section ng Koronadal City PNP, motorsiklo ang kalimitang sangkot sa 1,109 aksidente sa daan mula Enero hanggang Disyembre ng nakalipas na taon.

Sa nasabing bilang 767 ang motorcycle accident kung saan karamihan sa mga ito ang nangyari sa araw.

Inihayag ni SPO3 Arnel Falcis, hepe ng Traffic Section ng Koronadal City PNP na batay sa kanilang rekord pangunahing rason ng mga nangyaring aksidente ay over speeding na nasa 326 kaso, sinundan ng 311 kaso ng bad turning at 268 dahil sa bad overtaking.

Umaabot naman sa 35 ang namatay sa nangyaring mga aksidente habang 623 naman ang mga nasugatan. (Luz Cartagena-Balancio)