Close

Motion for leave ni Ex-poll chief Abalos, ibinasura ng Sandigan

Sponsor ads


Di pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion for leave ni dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Sr. kaugnay ng kasong graft laban sa kanya tungkol sa umano'y maanumalyang pagbili ng mga sasakyan noong 2003.

Ibinasura ng Sixth Division ang hiling ni Abalos pero pwede pa rin syang maghain ng demurrer o mosyon na humihiling na i-dismiss ang kaso dahil sa mahinang ebidensya.

Gayunman, maaaring mawala ang tsansa ni Abalos na ipresenta ang kanyang rebuttal sakali mang i-deny ito.

Binigyan ng Sandiganbayan ang dating opisyal ng limang araw para ipaalam sa korte kung maghahain ito ng demurrer.

Mababatid na inakusahan si Abalos na lumabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang aprubahan ang pagbili ng dalawang units ng Toyota Revo VX200 na nagkakahalaga ng P1.7 million nang walang pulic bidding.

Una nang itinanggi ni Abalos na pinaburan ang Toyota Pasong Tamo Incorporated sa transaksyon.