Close

Montano, iniksian ang speech sa NY dahil bored na ang audience

Sponsor ads


Ipinaliwanag ni Tourism Promotions Board (TPB) head Cesar Montano kayTourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang event sa New York City, USA kung saan pinutol umano ni Montano ang kanyang speech sa loob lang ng dalawang minuto para manuod ng Hamilton.

Ayon kay Puyat, batay umano sa kanyang pakikipagpulong kay Montano, matagal umano itong nanatili sa event bago pa man ang kanyang speech at nagkaroon pa ng ilang activities.

Paliwanag pa umano ni Montano, iniksian niya ang kanyang talumpati nang mapansin na tila naiinip na ang mga audience.

Nilinaw naman ng bagong Tourism Secretary na hindi kailangang magsumite ng courtesy resignation si Montano tulad ng ginawa ng iba pang Tourism undersecretaries at assistant secretaries dahil magkakaroon rin naman umano ang Tourism Congress of the Philippines ng bagong set of officials sa Hunyo.