Close

Moira dela Torre, tanggap ang pambabatikos

Sponsor ads


Maluwag na tinanggap ni Moira dela Torre ang pambabatikos sa kanya ng netizens dahil sa paghusga nito sa isang auditionee sa reality singing search ng ABS-CBN kung saan isa siya sa mga hurado.

“Pini-filter naman namin. Yung constructive criticism, I take it to heart,” ayon kay Moira.

Dagdag pa ng singer, hindi rin kasi alam ng mga tao ang nangyayari sa likod ng camera.

Ngunit lahat naman aniya ay may karapatang magbigay ng kani-kanilang opinyon.

Samantala, nagpasalamat naman si Moira sa kanyang mga kapwa hurado na sina Vice Ganda, James Reid at Regine Velasquez na tumulong sa kanya para mag-grow.

"Kasi sobrang welcoming, sobrang humble nila, sobrang talented.Ang dami ko talagang natututunan", dagdag ng singer.