Close

Moderna: Binubuong COVID vaccine, 94.5% effective

Sponsor ads


Ibinahagi ng Moderna Inc. na ang kanilang experimental vaccine ay 94.5% effective sa pagpigil ng COVID-19, batay sa interim data mula sa late-stage clinical trial, dahilan para maging ikalawang US company sa isang linggo na nagbahagi ng resulta na lampas sa inaasahan.

Kasama ang bakuna ng Pfizer Inc na nagpakita rin ng mahigit 90% na pagiging epektibo at pending na safety data at regulatory review, dalawa na ang bakuna ng United States na otorisado para sa emergency use sa Disyembre kung saan nasa 60 million doses umano ang magiging available sa katapusan ng taon.

Sa susunod na taon naman, ang U.S. government ay magkakaroon ng access para sa mahigit 1 billion doses mula sa dalawang vaccine makers, na lampas sa kinakailangan para sa 330 million na residente.

Ang naturang mga bakuna na parehong gumamit ng bagong teknolohiya na kilala bilang messenger RNA o mRNA, na kumakatawan para sa bagong tools sa paglaban ng pandemic.

Sinabi naman ng kompaniya na ang key advantage sa bakuna ng Moderna ay hindi umano ito kailangan ng ultra-cold storage gaya ng sa Pfizer, dahilan para mas madali itong ipamahagi.