Close

Mislatel, handa nang tumanggap ng subscribers sa 2020

Sponsor ads


Handa na ang ikatlong major telecommunications player na Mislatel Consortium na tumanggap ng mga subscriber sa taong 2020.

Ayon kay Mislatel Spokesperson Adel Tamano, taas-noo nilang kinukumpirma na malapit na silang tumanggap ng subscribers bagama't wala pang partikular na petsa.

Kumpiyansa rin si Tamano na maibibigay nila ang pangakong 5G connection pero una nilang ilalatag ang 4G VOLTE o voice over LTE na mas mataas na bersyon ng 4G network.

Una nang ibinida ng telco player na sa unang taon ng serbisyo nito ay maghahatid sila ng 27 megabits per second o mbps na internet speed habang sa competitors na Smart at Globe ay umaabot lamang sa 10 mbps ang average na naibibigay.

Ang Mislatel Consortium ay pinamumunuan ng negosyanteng si Dennis Uy na binubuo ng Mindanao Islamic Telephone Company, Udenna Corporation, Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corporation at China Telecom Corporation Limited.