Close

Mislatel, binago ang pangalan sa "Dito"

Sponsor ads


Matapos matanggap ang permit to operate, inanunsiyo ng Mislatel, ang third major telco ng Pilipinas ang pagpapalit nila ng pangalan.

Mula sa Mislatel ay ginawa nila itong Dito Telecommunity Corp.

Ang dahilan sa likod ng pagbabago ng pangalan ay hindi ganong kakumplikado gaya ng iniisip ng ilan.

Ito ang naging pahayag ng company spokesman na si Adel Tamano.

Paliwanag niya, "dito" nila nais magtayo ng world class mobile service at "dito" rin nila gustong magkaroon ng world class broandband service.

Mababatid na target ng kompanya na simulan ang commercial operation sa Hulyo 2020.